Flattered at elated ang pakiramdam ni Batangas Gov. Vilma Santos nang makarating sa kanya ang balitang siya ang napipisil na gawing running mate ni VP Noli De Castro for national elections sa 2010. Totoong natutuwa siya sa tiwala ng partido ni Kabayan sa kanyang kakayahan.
Pero sa ngayon daw ay Batangas muna ang kanyang focus dahil kung tutuusin ay pitong buwan pa lang siyang nanunungkulang bilang governor ng nasabing probinsiya. Hindi raw niya pwedeng ientertain ng ganito kaaga ang pagtakbo sa mas mabigat at mataas na posisyon sa gobyerno dahil kailangan niya munang patunayan ang kakayahan niya bilang gobernador ng isang probinsiya.
Hindi rin daw siya papasok sa isang laban na alam niyang kulang pa siya ng kaalaman. Mas gugustuhin daw niyang alam niya sa sarili niyang prepared siya sa experience at knowledge dahil mas overwhelming ang pwesto na binibigay sa kanya. Hindi lamang isang probinsiya ang paglilingkuran niya kundi buong bansa na.
Entire article at Yehey Philippine news
Philippine Political News
Wednesday, January 16, 2008
Vilma to run sa VP in 2010?
Wednesday, January 16, 2008
2010, batangas, governor, philippines, presidential elections, vice presidentiable, vilma santos, vote responsibly, votester
No comments
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment